Repost the History: Conversations and Indigenous Peoples Rights
Hall of Peace, Apo Agbibilin
Community, Brgy. Songco, Lantapan, Bukidnon
July 24-29, 2010
Nine
candles were lighted and solemn prayers were said in memory of the departed
ancestors of Mindanao and Luzon’s
tribal leaders whilst offering the drafted 10-point Agenda of the Indigenous
Peoples who gathered during the fourth State of the Indigenous Peoples Address
(SIPA) at the Hall of Peace of Apu Agbibilin community within the Talaandig
tribe of Bukidnon from July 25-29th, 2010.
“They offered the drafted agenda to the souls of IP
leaders who have returned home to God and whose lives were spent with the
passion of advancing and protecting the IPs rights and welfare,” said Carl
Cesar Rebuta, team leader of Legal
Rights and Natural Resources Center of Cagayan de Oro Regional Office.
State of the Indigenous Peoples
Address 2010
Kami, mga lider katutubo mula sa iba’-ibang tribo ng
Ata-Manobo, Ayta, Ayta-Mag-antsi,
B’laan, Hanunuo, Hanunuo-Mangyan, Higaonon,
Ibaloi-Kalanguya, Kalanguya-Kankana-ey,
Kankana-ey, Mamanwa, Mandaya, Manobo, Manubo-Timamana,
Mansaka, Menuvu,
Menuvu-Erumanen, Menuvu-Pulangeun, Obo-Manobo,
Pala’wan, Subanen, Subanon,
Talaandig, Teduray, Timamana, Tagabawa, T’boli,
T’boli-Ubo, at Tuali, na nagtipon sa Hall
of Peace, Apu Agbibilin Community, Barangay Songco,
Lantapan, Bukidnon mula Hulyo 26-
28, 2010, ay nagpapahayag ng aming tunay na kalagayan,
adhikain, panawagan at pagkilos.
Nitong Hulyo 26 nagbigay ang ika-15 pangulo ng
Republika ng Pilipinas ng kanyang unang
State of the Nation Address.
Katulad ng
dating mga presidente, hindi naisalarawan ngkanyang SONA ang tunay na kalagayan
ng mga katutubo dahil ang sistemang pangpulitika’t ekonomiya ng republika mismo
ang nagpapatuloy ng pagpapahirap sa katutubong mamamayan.
Ang kasaysayan ng mga katutubo ay mas nauna pa sa
Republika ng Pilipinas. Bago pa
nahirang ang unang pangulo ng republika ay buo at
ganap na ang relasyon namin sa aming
lupaing ninuno, ang aming sariling pamamahala at
sistemang pangkatarungan, likaskayang
pag-gamit ng aming likas yaman, at pagyabong ng
mayamang kultura.
Ngunit sa panahon ng kolonisasyon at pagbubuo ng
Republika ng Pilipinas, sapilitan at
mapalinlang na isinama kaming mga katutubo sa “bansang
Pilipinas”. Dito nagsimula at
nagpapatuloy na lapastanganin at wasakin ang aming
lupain, kultura at mga komunidad -
ang proseso ng pagpatay ng tribo mismo. Dahil diyan,
ang kasaysayan ng mga
mamamayang katutubo ay naging kasaysayan ng pakikibaka
para sa karapatan sa sariling
pagpapasiya sa kanilang mga buhay at teritoryo.
Ang tunay na kalagayan ng mga katutubo ay patuloy na
pakikibaka para sa lupa, buhay,
dignidad, kabuhayan, kultura, kapayapaan at kaunlaran.
Puro pagharap sa problemang dulot ng republika ang naging buhay ng tribo; mga problemang
direktang dulot ng mga atake sa mga komunidad katulad ng pag-aagaw ng lupa,
pagmimina, pagto-troso, at mga plantasyon; at mga di-tuwirang mga problema katulad
ng militarisasyon at counter-insurgency, korupsyon at pandarambong, at dambuhalang
utang panlabas.
Kahit ang mga polisiya at programa ng pamahalaan na sa
unang tingin ay “makabuluhan”
para sa mamamayan ng republika - katulad ng pag-gawa
ng mga lansangan, pagpasa ng
Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) at National
Integrated Protected Areas
System (NIPAS Law), pagtatayo ng mga dam, at usapang
pangkapayapaan - ay nagdudulot
ng malalaking mga problema at pinsala sa mga katutubo.
Ang patuloy na pagpapahirap sa mga katutubo at ang
pakikibaka namin laban dito ang nagbibigay hugis sa kalagayan ng mga katutubo
sa kasalukuyan. Kung saan noon kami ang
nagpapanatili, namamahala at nagpapaunlad - kami
ngayon ang sinasakupan,
pinapahirapan at iniitsa-puwera.
1. Winawasak ng sistema ng republika ang pampulitikang
istruktura ng mga katutubo.
Iilan na lamang na katutubong komunidad ang
nananatiling may pansariling
pamamahala at pagpasya sa kanilang buhay at teritoryo.
Kasama nito ay bumibilis ang
pagkamatay ng mga paniniwala’t tradisyon ng mga
katutubo. Sa kabila nito ay hindi
naman nabibigyan ng akmang representasyon ang mga
katutubo sa sistema ng
gobyerno ng republika at hindi din naman umaabot sa
mga katutubong komunidad ang
mga batayang serbisyong obligasyon nito sa mga
katutubong mamamayan.
2. Walang patid ang pagdagsa ng mga “development
projects” na itinutulak ng
pamahalaan katulad ng pagmimina, pagtotroso,
plantasyon, at mga dam - na
nangangahulugan ng pagbukas ng mga teritoryo ng mga
katutubo para mapasakamay
ng mga korporasyon ang lupain at likas yaman sa mga
lupang ninuno para sa paglikha
ng mga produkto na dikta ng pandaigdigang pamilihan
kaysa sa pangangailangan ng
mga katutubong komunidad. Ang mga ahensya ng pamahalaan
katulad ng Department
of Environment and Natural Resources (DENR) at
National Commission on Indigenous
Peoples (NCIP) ay kumikilos na mistulang ahente ng mga
korporasyon kaysa tagapagingat
ng kalikasan at kapakanan ng mga katutubo.
3. Malaking pambubulabog ang mga proyektong
“development aggression” na mga ito
hindi lamang sa pang-aagaw ng lupain sa mga katutubo
kundi pati sa paghahati-hati sa
mga lider katutubo, sa pwersahang pagpapalikas sa mga
komunidad, pag-gamit ng
dahas laban sa mapayapang protesta ng mga katutubo,
pagpatay sa mga kumikilos para
sa karapatan ng komunidad, militarisasyon at
malawakang paglabag sa karapatang
pantao ng mga katutubo. Muli ang sangay ng pamahalaan
na naka-atas mangalaga ng
seguridad at kapayapaan ay ginagamit laban sa mga
katutubo bilang pag-protekta ng
estado sa puhunan at operasyon ng mga korporasyon.
4. Hirap o hindi namin magamit ang mga batas ng
republika para igiit o protektahan ang
aming mga karapatan, bagkus ay mas nagagamit pa ang
batas laban sa amin. Kung
anumang karapatan namin ang kinilala sa Indigenous
Peoples Rights Act (IPRA) ay
niyuyurakan naman ito sa mga butas na nasa IPRA mismo
na nagsasabotahe nito, sa
interpretasyon ng mga taga gobyerno dito, sa
pagsalungat ng iba pang mga batas ng
republika at sa maling implementasyon ng NCIP. Lalo
pang nilusaw ng NCIP ang IPRA sa
paglabas nito ng 2006 Free, Prior and Informed Consent
(FPIC) Guidelines na
pinapadulas ang pagkuha ng mga korporasyon ng
pahintulot para sa kanilang mga
proyekto. Kaya kahit makakuha pa ng Certificate of
Ancestral Domain Title (CADT) ang
mga komunidad ay pabor pa din sa mga korporasyong
gustong makapasok sa mga
lupaing ninuno.
5. Apektado kami sa mga panggegera ng republika sa mga
grupong rebelde at madalas ay
naiipit sa kanilang pagtutunggali. Kasama din kami sa
pagmimithi at pagkilos para sa
kapayapaan, ngunit dahil hindi kami armado ay hindi
kami isinasali sa usaping
pangkapayapaan at bagkus ay nagugulantang na lang sa
mga kasunduan na pinapasok
ng republika na sasagasa lalo sa aming teritoryo’t
sariling pamamahala.
Sa pagdinig namin sa SONA ng presidenteng si Aquino,
nakita naming mainam ang kanyang
mga direktiba kontra-korupsyon, pagtutok sa pagresolba
ng pagpatay sa mga lider
aktibista’t media, pagpapanumbalik ng mga inisyatiba
para sa usapang kapayapaan at tigilputukan, at panawagan sa pagpasa ng National Land Use Bill. Malaking pagbabago ito
mula
sa pandarambong at kahungkagan ng natapos na
administrasyong Arroyo.
Pero sa balangkas ng mahabang kasaysayan ng pakikibaka
ng mga katutubo ay walang
bagong sinabi ang bagong pangulo ng republika. Kahit
ang kaisa-isang pagbanggit sa mga
katutubo patungkol sa pag-uusap kapayapaan sa Mindanaw
ay dati nang paulit-ulit na
sinabi ng naunang mga presidente ng republika na
kinakailangang magusap-usap ang mga
moro, kristyano at mga lumad.
Wala kaming makitang kahit panimulang pagtahak ng daan
tungo sa pagwawasto ng hindi
makatarungang mga kaganapan sa buhay ng tribo sa
kasaysayan nito sa loob ng republika
ng Pilipinas. Wala kaming narinig na kalunasang
inilahad ng pangulo para sa mga
suliraning aming patuloy na kinakaharap, bagkus ay
nakita pa namin ang lalong
pagpaigting ng panghihimasok ng estado at mga
negosyante sa teritoryo at buhay ng mga
katutubo.
Ano ba sa makasaysayang karanasan ng katutubo ang
pwedeng maging kahulugan ng
pagtutok ng pangulo sa “public-private partnerships”
kundi ang pagdagsa ng mga
korporasyon sa aming lupaing ninuno. Isinali kami sa
“bansang Pilipinas” kung saan naging
pampublikong lupa ng republika ang teritoryo naming
mga katutubo, at saka ito
ipinapaubaya ng pamahalaan sa mga korporasyon at
pribadong entidad - ito ang katangian
ng pagsakop ng Republika ng Pilipinas sa mga
katutubong mamamayan at pinagpapatuloy
ngayon ito ni Aquino.
Ang sinabi niyang pagpapabilis ng proseso sa
pagrehistro at aplikasyon ng mga kumpanya
ay nakakatakot kung babalik tanawin natin ang
pandarambong ng mga korporasyon sa
ating likas yaman at pagwasak sa kalikasan at
kanununuang lupain at ang mahabang
listahan ng paglabag sa karapatang pantao dulot ng
pagpasok ng dayuhang pamumuhunan.
Gusto ngang iwaksi ni Aquino ang korupsyon pero hindi
siya makakapagdulot ng tunay na
pagbabago kung hindi siya lalayo sa balangkas ng
pag-unlad na nakasalalay sa pagpasok ng
dayuhang puhunan kapalit ng pagwasak sa ating
kalikasan, pag-ubos ng ating likas yaman
at pagkamatay ng mga komunidad.
Kami ay maghahain ng aming panawagan para sa
administrasyon ng ika-15 pangulo ng
republika bilang paningil sa obligasyon ng estado sa
karapatan ng mamamayang katutubo.
Pero naging aral na mula sa karanasan ng katutubo na
hindi umasa sa pagkilos ng estado,
kundi sa sama-samang pagkilos ng mga katutubo para sa
karapatan sa sariling
pagpapasiya.
Igalang ang karapatan ng mga katutubo sa sariling
pagpapasiya
Kilalanin
at igalang ang batas ng mga katutubo.
Ang aming customary laws angsiyang mananaig sa
katutubong teritoryo. Ang aming malayang pagpasya o free, prior and informed
consent (FPIC) na batay sa aming sariling kaugalian at mga batas ang masusunod sa
pagpasok ng ano mang proyekto sa aming mga lupain, at hindi ayon sa pinataw ng
NCIP na 2006 FPIC Guidelines na kailangan nang ibasura. Hindi maaring
magreapply ang mga kompanya sa pagkuha ng FPIC para sa parehong proyekto kapag
hindi na namin ito pinayagan sa unang pagkakataon, kahit ano pa ang sabihin ng
mga polisiya ng gobyerno.
Hindi rin maaaring magbigay ng pahintulot ang mga
local government units (LGUs)
para sa mga proyekto sa loob ng aming lupain kung
walang pahintulot ang mga katutubong
komunidad. Hindi maaring magbigay ng Certificate
Precondition ang NCIP kung walang
resolusyong nagbibigay pahintulot ang mga katutubo.
Inaanyayahan namin ang Department of Justice na umupo
bilang observer sa kung
paano namin nireresolba ang aming mga kaso sa loob ng
tribo gamit ang aming sariling
tradisyunal na sistema upang sila ay matuto mula sa
amin at maintindihan ang aming mga
proseso.
Paabutin
ang batayang serbisyo sa mga katutubo.
Kinakailangang
bigyan ng prayoridad ang mga proyektong magbibigay serbisyo sa aming mga
komunidad, tulad ng pagtatayo ng mga daan at tulay na ‘farm to market’, pagtuturo
ng paggamit ng organic farming, at pagtatayo ng mga mini-dams para sa gamit ng
komunidad.
Maglaan ng scholarship fund para sa mas mataas na
edukasyon ng mga karapat dapat na kabataang katutubo. Siguruhin ang libreng
batayang edukasyon para sa aming mga katutubo at palawakin ang Alternative
Learning System at adult literacy program para sa mga katutubo. Maglaan ng
pondo para sa sweldo ng mga katutubong guro at suportahan ang mga inisyatibo ng
katutubo sa pagtataguyod ng mga programa tulad ng schools for living tradition.
Magbigay suporta sa kabuhayan ng mga katutubo lalo na
sa mga rebeldeng katutubong nagbalik-loob sa pamahalaan, at bigyang proteksiyon
ang mga anak ng mga ito. Sa usaping kalusugan, kilalanin at igalang ang aming
tradisyunal na paggagamot lalo na ang mga traditional midwives o hilot ng mga
tribo. Ang mga serbisyong pangkalusugan ay dapat din naaayon at akma sa kultura
at kapakanan ng mga katutubo.
Itigil
ang development aggression, militarisasyon at pagpapalala ng Climate Change
Kagyat na ipatigil ang pagbibigay ng mga permits at
lisensya sa mga proyektong
tulad ng mga minahan, plantasyon, dam at pagto-troso.
Ipagsawalang-bisa o bawiin ang
mga kasalukuyang operasyon sa loob ng mga protektadong
lugar, sagradong lupa at
lupaing ninuno. Kinakailangan na may masusing
pagsaliksik sa mga permit na makaapekto
sa lupaing ninuno. Mahigpit na pinagbabawal ang mga
proyektong ito na hindi sang-ayon
sa aming kultura at kaugalian.
Ang mga proyektong nabanggit ay nakakadagdag din sa
pagpapalala ng climate
change na nagdudulot ng mga pagsasalanta sa mga
katutubong komunidad. Hindi namin
ipapagamit ang aming teritoryo para pagkakitaan sa
anumang carbon trading schemes na
itinutulak ng mga korporasyon at mayayamang bansa.
Kilanlanin ang papel at kontribusyon ng mga katutubo
sa pag-aalaga at pagprotekta
sa likas yaman sa loob ng lupaing ninuno.
Nananawagan kami sa lehislatura na ibasura ang
Republic Act No. 7942 o Mining
Act of the Philippines na patuloy na nagpapahirap sa
aming mga katutubo. Palitan ito ng
bagong batas sa pamamahala ng ating yamang mineral na
kikilala ng pagmamay-ari ng mga
katutubo sa mga likas yaman sa mga kanununuang lupain
at magbibigay proteksyon sa
mga komunidad sa mismong operasyon ng pagmimina kung
ito ay papahintulutan ng mga
katutubo sa kanilang mga teritoryo.
Hulihin at panagutin ang mga opisyal ng DENR at NCIP,
lokal na opisyal at ang mga
kasabwat nilang korporasyon na nangunguna sa
paglalabag sa aming karapatan at sa
paninira ng kalikasan.
Igalang ang karapatang pantao ng mga katutubo laban sa
mga iligal na paghuhuli at
pag-aaresto. Itigil ang pagpatay, pananakit at
pananakot sa mga pinunong katutubo. Itigil
ang pagbibigay pahintulot sa paggamit ng mga
korporasyon sa mga sundalo, kapulisan at
pribadong hukbo bilang security forces. Mahigpit din
na ipagbawal ang pagrecruit ng mga
katutubo lalo na ng mga menor de edad sa ano mang
armadong grupo. Itigil ang
militarisasyon sa aming teritoryo.
Igalang
ang mga kababaihang katutubo
Kami ay nanawagan sa lahat ng tao na irespeto ang mga
karapatan ng kababaihan,
lalo na laban sa pag-aabuso, pagmomolestya at
prostitusyon. Mahalaga ang papel at
kontribusyon ng kababaihan sa pagsulong at sa
pagtanggol ng karapatang katutubo.
Nangunguna ang mga kababaihang katutubo laban sa
marahas at mapanirang pagyuyurak
ng aming mga karapatan. Itigil ang pang-aabuso at
karahasan ng mga militar sa
kababaihang katutubo.
Repasuhin
at mahigpit na ipatupad ang IPRA
Repasuhin ang mga polisiya patungkol sa mga katutubo.
Ipatupad ang tunay na
nilalaman ng IPRA, lalo na sa usaping katarungang
panlipunan. Siguraduhin ang
pagtatalaga ng representante sa lahat ng antas ng
pamahalaan ayon sa mga batas.
Pinapaalala namin na ang mga pinuno ng tribu ay mas
makapangyarihan kaysa sa
mga opisyales ng NCIP, at hindi ang kabaliktaran, kung
kayat may kapangyarihan din dapat
kami na tanggalin ang mga opisyales ng NCIP na
lumalabag sa aming mga karapatan.
Kailangang palitan ang mga pinuno at opisyales na
nakaupo sa NCIP na hindi dumaan sa
tamang proseso. Panagutin, ikulong at pagbayarin naman
ang mga opisyales at kawani ng
NCIP na gumawa ng katiwalian.
Dahil sa paulit-ulit na pagpapasahan ng NCIP sa kung
saan-saang ahensya ng
gobyerno, dapat ibalik ang NCIP sa Office of the
President kung saan malaya ito sa
impluensiya ng ibang ahensya o interes.
Ibasura ang Indigeneous Peoples Master Plan na ginawa
ng NCIP na hindi dumaan
sa tamang proseso at lalong hindi sang-ayon sa aming
interes at karapatan. Ibasura din ang
pinapairal na Ancestral Domain Sustainable Development
and Protection Plans (ADSDPP)
Guidelines ng NCIP. Kailangan ng bagong balangkas ukol
sa ADSDPP at iba pang mga
stratehiya kung saan dapat ginagalang at
isinaalang-alang ang aming kultura, tradisyon at
kaugalian. Kailangang din ng isang malalim na
pagsusuri sa mga bogus na Certificate of
Ancestral Domain Title/Certificate of Ancestral Land
Title (CADT/CALT).
Dapat rin magtayo ang isang ahensya na tututok sa
kapakanan ng mga katutubo na
nasasakupan ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).
Bigyang
representasyon ang mga katutubo sa usaping pangkapayapaan
Ang usaping kapayapaan ay hindi lamang dapat sa
pagitan ng gobyerno at mga
rebeldeng grupo. Dapat masuportahan ang mga katutubo
sa pag-giit namin ng aming
sariling peace agenda mula sa aming perspektiba halaw
sa aming mahabang karanasan sa
loob ng “bansang Pilipinas”, lalo na ng mga lumad sa
Mindanaw. Mula dito manggagaling
ang aming kontribusyon sa mga “peace talks” ng
pamahalaan sa mga rebeldeng grupo.
Sa pagbubukas ng pag-uusap sa pagitan ng gobyerno at
Moro Islamic Liberation
Front, kinakailangang bigyang representasyon ang mga
katutubo na umupo sa peace
negotiation. Hinahangad namin ang isang independent
panel para sa mga katutubo na
magtitiyak at magsusulong ng aming karapatan sa
sariling pagpapasiya ng nakaugat sa
aming kultura, teritoryo, at katutubong pamamahala.
Isusulong din nito ang mga
makasaysayang mga kasunduan hinggil sa pagtalaga ng
hangganan ng mga teritoryo at mga
kasunduang pangkapayapaan katulad ng Tampuda hu
Balagen ng mga tribung Talaandig,
Sapa at Dyandi sa Subanen, B’laan at Manobo, Sensafaan
sa tribong Teduray, Tabtaban-
Mangyan at iba pang kasunduan.
Makikilahok rin ang mga katutubo sa usaping
pangkapayapaan sa CPP-NPA at iba
pang mga armadong grupo.
Ang
aming mga pananagutan
Sa pagpapatuloy ng aming pakikibaka at pagkakaisa,
itinataya namin ang aming
sarili sa mga pagpapalakas sa aming mga hanay para sa
pagtaguyod ng aming karapatan.
Lalo naming isusulong ang aming malaya at sariling
pagpapasiya sa mga bagay na
makakaapekto sa aming kinabukasan at ng aming mga
anak. Higit naming palalakasin at
isasabuhay ang aming mga kultura, tradisyon, kaugalian
at paniniwala laban sa
panghihimasok ng mga mandarambong at mapag-alipustang
taga-labas. Kami ay
mananatiling mapagbantay laban sa makasaysayang
diskriminasyon at hindi kami magaatubiling
ipag-alam sa lahat ng mga gustong makinig, habang lalo
naming palalakasin ang
aming mga boses para sa mga iilang ayaw makinig.
Isusulong namin ang nagkakaisang mga
katutubong nasyon ng Pilipinas.
Ito ang aming pinipapahayag mula dito sa Balay Tulugan
ng mga Talaandig, Songco,
Lantapan, Bukidnon, ngayong Julyo 28, 2010.